Ilegal na campaign posters, sinimulan nang baklasin

Various election posters displayed in Quezon City in February 2022.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nag-umpisa na ang Commission on Elections (Comelec) sa pag-iikot para mabantayan ang pagsunod sa panuntunan sa kampanya kung saan nagresulta ito sa  pagbaklas sa maraming campaign materials sa iba’t- ibang parte ng Maynila kahapon.

Katuwang ng Comelec sa operasyon ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). 

Sa Sampaloc pa lamang, marami na agad ang binaklas na mga posters na nakalagay sa mga puno at poste ng kuryente na kasama sa ipinagbabawal.

May mga posters naman na nasa tamang lugar nga ikinabit pero lagpas naman sa itinakdang sukat ng Comelec kaya binaklas din.

Ipinaalala ni Atty. Gregorio Bonifacio, ng Comelec- Manila 3rd District, na kahit sa mga pribadong establisimento nakakabit ang mga materyales, kailangan pa ring sumunod ito sa sinasabi ng Comelec Resolution No. 10730 o Fair Elections Act.

Dahi dito, padada­lhan ng notice ng Comelec ang mga kandidato upang tanggalin na ang mga ilegal nilang materyales upang hindi malagay sa alanganin ang kanilang kandidatura.
Bukod sa Sampaloc, nag-ikot din ang Comelec sa bahagi ng Laon Laan, Dimasalang at Maceda na nagresulta rin sa pagkakadiskubre ng mara­ming ilegal na campaign materials. Umikot din ang iba pang grupo ng Comelec sa EDSA mula Caloocan City hanggang Pasay City.

Show comments