_ngayon
^

Metro

Mga kasiyahan sa pagdiriwang ng Sto. Niño, ibinawal sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagbawal ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang anumang nakagawiang aktibidad at pagtitipon sa selebrasyon ng Pista ng Sto. Niño sa darating na Linggo.

Ito ay makaraang pirmahan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 04 na nagbabawal sa pagdaraos ng anumang prusisyon, street parties, stage shows, palarong kalye, ati-atihan, at iba pang uri ng pagtitipon sa Pista ng Sto. Niño de Tondo at Sto. Niño de Pandacan.

“Ito ay isa sa mga ating gagawin para pa­tuloy na sama-sama nating labanan ang pag­lago ng COVID-19 at maiwasan natin na masawi ang ating mga kababayan,” paliwanag ni Moreno.

Sa halip, nanawagan si Moreno sa mga pamil­ya na magtipon-tipon na lamang sa loob ng kanilang mga bahay at manalangin sa Sto. Niño para malagpasan na ng lahat ang hirap na dulot ng COVID-19 pandemic.

“Sa ating mga deboto katulad natin na deboto ng Sto. Niño, magsama-sama nalang po tayo sa bahay, maghawak-hawak ng kamay kasama ang ating pamilya.  Manatili tayong manalig at kumapit sa Diyos at magdasal sa kapistahan ng mahal na Sto. Niño,” ayon sa alkalde.

Ipinagdiriwang ang Pista ng Sto. Niño sa tuwing ikatlong linggo ng Enero.  Papatak ito ngayon sa darating na Enero 16.

Bukod dito, mahigpit rin na ipagbabawal ang pagtitinda ng mga nakalalasing na inumin sa halos 40 barangay sa Pandacan at 100 barangay sa Tondo na magseselebra ng pista.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with