25 tindahan, natupok sa sunog sa Quezon City

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:10 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa isang palapag na commercial building sa Talipapa Riverside.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 25 tindahan ang naabo sa sunog na sumiklab sa isang commercial building na matatagpuan sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon.

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:10 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa isang palapag na commercial building sa Talipapa Riverside.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-4:33 ng madaling araw.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasaktan sa sunog na tuluyang naapula pagsapit ng alas-4:54 ng madaling araw.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa kitchen area ng isang kantina sa gusali.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa humigit-kumulang sa ?500,000 ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.

Show comments