Mayor Joy suportado ang VP bid ni Sotto

Sa interview sa ANC ni Karen Davila, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na si vice-presidential bid ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto II ay kanyang “personal choice”.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang vice-presidential bid ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto II, na ama ng kanyang running-mate na si Vice Mayor Gian Sotto.

Sa interview sa ANC ni Karen Davila, sinabi ni Belmonte  na si Sotto ay kanyang  “personal choice”.

Nilinaw pa ng alkalde na ang mga miyembro ng local party ng Quezon City ang bahalang pumili ng kanilang sariling kandidato, subalit umaasa pa rin siya na susuportahan nila ang ama ng president officer ng city council.

Dinagdag pa ng alkalde, hindi pa siya nakakapili ng kanyang presidential candidate,subalit pipili siya ng kandidato na sa tingin niya ay “best for the country at best for the city”, na mayroong puso at walang personal na interes.

Tinatayang 1.2 milyon ang rehistradong botante sa Quezon City noong 2019 midterm elections.

Show comments