118 bagong kaso ng COVID-19 sa PNP, naitala

MANILA, Philippines — Iniulat ng PNP Health Service na nasa 118 ang naitalang bagong kaso ng CO­VID-19 habang nasa 166 ang mga  bagong gumaling.

Dahil dito pumalo na sa 39,224 ang kabuuang bilang ng COVID case habang  36, 877 ang gumaling.

Sa ngayon sumampa na sa 116 ang bilang ng mga PNP personnel na nasawi matapos na isang civilian employee ang namatay.

Nabatid na ililipat sana ng ibang ospital si Patient 116 subalit sa lumalalang kondisyon nito hindi na natuloy ang paglipat at agad itong isinailalim sa RT-PCR test at nagpositibo sa COVID-19.

Setyembre 21 nang  inatake sa puso ang pasyente at idineklarang patay ng kanyang attending physician. Mayroon itong comorbidities gaya ng Gastrointestinal Rheumatic Disease, anxiety, spondylosis of the spines at pneumonia at hindi pa nabakunahan laban sa virus.

Show comments