^

Metro

Walang ‘switching’ ng VP candidate – Yorme

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan si Manila City Mayor Isko Moreno na walang magaganap na ‘switching’ o palitan ng Vice Presidential candidate dahil kuntento at masaya siya na katambal si Doc Willie Ong.

“Ayaw ko ng flip-flopping.  I’m happy and grateful with Doc Willie saying yes so that we can move on agad,” ayon sa alkalde.

“Walang ganun-ganun, ‘yung tatakbo o ‘di tatakbo tapos nagsi-switching nabili na ‘yun, we don’t want to do the same, nagiging challen­ging ang buhay natin because of that character,” saad pa ni Moreno.

Muli niyang iginiit na ‘blessing’ sa kaniya ang pagsama sa kaniya ni Ong na isang doktor dahil makakakilos siya ng mabuti tulad ng nangyari sa Maynila kung saan si Vice Mayor Honey Lacuna ang naging katambal niya sa paglaban sa COVID.

“In this case, next year we’re gonna be still in pandemic so the next admin, kami ni Doc Willi, binigyan ng pagkakataon, makaka-focus ako sa time in redeveloping, refounding the country while there is somebody addressing helping me in the continuing fight against COVID,” paliwanag pa ni Moreno.

Samantala, pormal nang naging miyembro ng Aksyon Demokratiko si Ong nang manumpa na sa partido nitong Sabado. Nagmula si Ong sa Lakas-CMD.

Kasama ni Ong sa panunumpa ang kaniyang ginang na si Dr. Liza Ong at Aksyon Demoktratiko chairman Ernest Ramel.

WILLIE ONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with