MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbaba ng bilang ng hawaan ng Covid- 19 sa Metro Manila.
Batay sa latest monitoring ng OCTA Research group, bumaba pa sa 1.03 ang reproduction number ng COVID sa Metro Manila nitong September 15 hanggang September 21.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA group, umaabot naman sa -18% ang growth rate ng virus.
Sa 7-day average ng bagong kaso ng COVID ay nakapagtala ng 4,784 mula sa 9.15 hanggang 9.21 na may one-week growth rate na -18%.
Idinagdag pa nito na ang 1.03 reproduction number sa NCR ay may error range na +/-0.05.
“There are still some backlog in the reports, but the error margin accounts for this. Let’s hope and pray this trend continues.”dagdag ni David.
Tinaya rin ni David na posibleng nasa last stage na ng laban ng Pilipinas sa COVID-19 delta variant lalo na sa Metro Manila dulot na rin ng patuloy na pagbaba ng bilang ng hawahan ng virus o reproduction number.