^

Metro

Metro Manila mayors nagkasundo sa ‘unified vaccination certificate’

Pilipino Star Ngayon
Metro Manila mayors nagkasundo sa âunified vaccination certificateâ
Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng MMC, na sumang-ayon lahat ng alkalde ng National Capital Region (NCR) sa pagkakaroon ng iisang ‘vaccination certificate’.
Philstar.com/Ian Lising, file

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng  Metro Manila Council (MMC) ang paggamit ng isang ‘unified vaccination certificate’ para sa mga residen­te na ‘fully-vaccina-ted’ na laban sa CO-VID-19.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng MMC, na sumang-ayon lahat ng alkalde ng National Capital Region (NCR) sa pagkakaroon ng iisang ‘vaccination certificate’.

Nag-uumpisa na umano ang mga Information Technolo­gy (IT) officers ng mga siyudad na mag-download ng mga im­pormasyon at lista-han ng mga residente nilang kumpleto na ang bakuna at ipadala sa Department of Information and Communication Techno-logy (DICT) para sa pagpapalabas ng unified vaccination certificate.

“All LGUs have ser­vice providers that are now downloading the information to the DICT to consolidate the data,” ayon kay Olivarez.

Target ng mga alkalde na matapos ang pag-download ng mga impormasyon at maipasa na ito sa DICT ngayong buwan.

Partikular na importante ang vaccination certificate sa mga residente na bibiyahe patungo sa ibang bansa na ginagawang requirements ang patunay na nabakuna­han na sila bago payagang makapasok sa kanilang teritoryo.

MMC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with