ECQ na sa NCR

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, hindi katulad noong nakaraang ECQ, magiging mas mahigpit ngayon at maaaring maglagay ng checkpoints sa mga intercity border upang maiwasan ang pagtawid ng mga residente sa hindi naman nila lugar.
Michael Varcas

MANILA, Philippines —  Simula ngayong araw ay nasa ilalim na ng pina­kamahigpit na enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, hindi katulad noong nakaraang ECQ, magiging mas mahigpit ngayon at maaaring maglagay ng checkpoints sa mga intercity border upang maiwasan ang pagtawid ng mga residente sa hindi naman nila lugar.

Ang mga consumer na authorized persons outside residence (APOR) ay hindi aniya maaring lumampas sa intercity boudary.

Ang puwede lang tumawid ay ang mga wor-ker APORs habang ang mga consumer APOR ay maaari lamang bumili ng mga pangunahin nilang pangangailangan katulad ng pagkain sa siyudad o munisipalidad kung saan sila residente.

Pero maaaring bigyan ng konsiderasyon ang mga magpapabakuna na tatawid sa kalapit na siyudad.

Nilinaw ni Eleazar na hindi pa naman manghuhuli at hindi lang papayagan na makalampas sa check-points ang mga nagbabalak na tumawid sa ibang lugar.

Sa mga lalabag sa mga protocols lalo na sa minimum public health standards, ang parusa ay depende sa mga ordinansa ng isang lugar kung saan maaari silang pagmultahin o kaya ay padalhan ng subpoena.

Maaari rin dalhin sa mga police stations ang mga lalabag para sa booking at documentation.

Show comments