Walk-in’ sa vaccination sites, bawal sa Quezon City

Para ‘di dagsain

MANILA, Philippines — Hindi papayagan ng ­Quezon City governmemt ang mga walk-in  sa mahigit 50 vaccination sites sa lungsod.

Ito ang mahigpit na paa­lala ng QC LGU  sa gitna ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno .

Ayon sa lokal na pamahalaan kailangang dumating sa takdang petsa ng iskedyul batay sa text mula sa QC vax easy para sa first dose, at sa nakasulat sa likod ng vaccination card para sa second dose.

Limitado anila ang supply ng bakuna at ito ay nakalaan na sa mga nauna nang na­bigyan ng schedule.

Sa ngayon ay aabot na sa mahigit 1.5-million na residente na ang nababakunahan sa QC kung saan halos 600,000 dito ay mga fully vaccinated na.

Show comments