Supply ng oxygen sa Metro Manila sapat

MANILA, Philippines — Sapat pa umano ang oxygen supply sa Metro manila sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dahil na sa Delta variant.

“Kahit itong huling ECQ (enhanced community quarantine) marami namang dumating na oxygen tanks hanggang ngayong araw na ito hindi naman tayo nagkakaroon ng shortage pagda­ting sa tangke dito sa NCR,” ayon ito  kay Adrien Alon-Alon, may-ari ng Caremart Medical Supplies sa isang panayam sa DZMM.

Idinagdag pa nito na bagama’t mataas ang pangangailangan dahil na rin sa COVID surge sa rehiyon ay hindi pa rin sila nagtataas ng presyo.

Kasabay naman nito na hiniling niya sa may kahalintulad niyang negosyo na huwag samantalahin ang sitwasyon para itaas ang presyo.

Gumagawa na rin sila ng paraan para  matiyak na hindi magkakaroon ng kakulangan sa cylinders ng oxygen.

Show comments