_ngayon
^

Metro

Misa sa Metro Manila tigil muli, online masses mapapanood

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Misa sa Metro Manila tigil muli, online masses mapapanood
Undated photo of Catholic devotees wearing facemask and face shield attend the Sunday Mass at Manila Cathedral
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Hindi muna magsasagawa ng misa ang mga simbahan sa Metro Manila kasunod ng dekla­rasyon ng pamahalaan ng ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ sa Metro Manila bilang pag-iingat sa pagkalat ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19.

Sinimulan ng Simbahang Katolika ang pagpapatigil sa physical masses sa Metro Manila kahapon habang nasa “general community quarantine with heightened restriction” ang National Capital Region. Mula Agosto 6-20 naman ay isasailalim na ito sa ECQ.

Ayon kay Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, tatlong linggo nilang ititigil ang pagdaraos ng physical masses sa mga simbahan sa Metro Manila.

Hindi lamang naman ang mga banal na misa ang apektado ng community quarantines, kundi maging ang mga nakatakdang binyag at kasal, na ipinapa-reschedule rin ng simbahan.

Habang hindi pa nakakadalo sa misa sa mga simbahan, hinikayat ni Advincula ang mga Katoliko na sa pamamagitan ng “online masses” na lamang muna dumalo ng banal na misa habang nasa loob at ligtas sa kanilang mga tahanan.

CHURCH ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with