_ngayon
^

Metro

4 milyong COVID-19 vaccines, hingi ng Metro Manila mayors

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 milyong COVID-19 vaccines, hingi ng Metro Manila mayors
A health worker inoculates a resident with a dose of the AstraZeneca/Oxford Covid-19 coronavirus vaccine inside a Catholic church turned into a vaccination centre in Manila on May 21, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dahil sa biglaang pagtaas ng growth rate ng mga kaso ng COVID-19, napagkasunduan ng 17 Metro mayors na humingi ng 4 milyong doses na alokasyon ng vaccines sa national government.

Isa ito sa napagpulu­ngan ng Metro Manila Council (MMC) noong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni MMDA Benhur Abalos na nasa 19 porsyento ang growth rate ng COVID-19 cases sa nakalipas na isa hanggang dalawang linggo, malayo sa tatlo hanggang apat na linggong nakalipas na nagtala lang ng -6 porsyento sa National Capital Region (NCR).

Hihilingin din ng MMC ang mas mahigpit na quarantine measures sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Gayunman, sakaling hindi naman handa ang national government sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP), nagpahayag naman ng kahandaan ang mga alkalde sakaling maisailalim ang NCR sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng 2 linggo.

Napagkasunduan din ng mga alkalde na habang mas mahigpit ang ipatutupad na qua­rantine measures ay dapat na maisabay na rin ang mabilisang pagbabakuna sa loob ng 2 linggo, sa pamamagitan ng pagiging bukas lang sa general population ng hindi na daraan sa classification.

Dapat na mas paigtingin pa ang contact tracing, massive testing, at strict isolation upang mas mapababa ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila habang hinihintay ang 4 milyon na bakuna.

Handa rin ang lahat ng alkalde na magsasagawa ng araw-araw na pulong para masuri ang sitwasyon sa kanilang mga lokalidad, mapag-usapan ang mga hakbang pang gagawin para labanan ang Delta variant, magrekomenda sa IATF ng mga usaping may kaugnayan sa quarantine restrictions at mga pagbabawal at mas paghihigpit sa pagbabantay sa mga nasasakupan kung nasusunod ang basic health protocols.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with