_ngayon
^

Metro

Brgy. kagawad, 1 pa huli sa pagbebenta ng COVID-19 vaccine slots

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Brgy. kagawad, 1 pa huli sa pagbebenta ng COVID-19 vaccine slots
Kinilala ni NBI Director Eric Distor, ang mga naarestong suspect na sina Benjie Lagasca Montaos, residente ng La Vert Residences, Donada St., Pasay City; at Arturo Flores Magtalas, Kagawad ng Barangay 106, District 1, Tondo na isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa Section 21 (h) ng Republic Act 11032 o Anti Red Tape Act of 2007 at RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act .
AFP/Dibyangshu Sarkar

MANILA, Philippines — Nahulog sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang  isang barangay kagawad at isa pa nang magbenta ng sampung COVID-19 slots sa isang confidential agents na inakalang POGO workers, sa isang public school sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ni  NBI Director Eric Distor,  ang mga naarestong suspect na sina Benjie Lagasca Montaos, residente ng La Vert Residences, Donada St., Pasay City; at Arturo Flores Magtalas, Kagawad ng Barangay 106, District 1, Tondo na isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa Section 21 (h) ng Republic Act 11032 o Anti Red Tape Act of 2007 at RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act .

May dagdag na kaso namang paglabag sa Section 7 (d)  o Code of Conduct and Ethical Standards  for Public Officials and Employees ang inihain laban kay Magtalas  bilang opisyal ng barangay.

Nabatid na Hulyo 24, 2021 nang maaresto ang dalawa sa entrapment operation sa General Vicente Lim Elementary School sa Roxas St., Tondo.

Nag-ugat ito sa impormasyon ng isang confidential informant na ibinigay sa NBI-Special Action Unit (SAU) nitong Hulyo 20, 2021, hinggil sa pag-aalok umano ng mga suspek ng sampung COVID-19 slots sa Maynila sa  POGO workers.

Ang suspek na si Benjie ang nakatransaksiyon  ng impormante na nagbigay ng instruction na ipasok sa online registration ang mga pangalan ng POGO workers at gamiting address ang 1248 Juan Luna St., Tondo, Maynila upang palabasing residente ng lungsod.

Hulyo 23, 2021, itinawag ni Benjie sa impormante na may available slots na para sa 10 POGO workers at aalalayan sila ni Magtalas pagtungo sa nasabing eskwelahan.

Hulyo 24, nang magtungo ang impormante sa Gen. Lim Elem. School at doon sila sinalubong ni Magtalas at binigyan ng stub na 10 piraso kapalit ng P60,000.00 o P6K bawat isa.

Doon na inaresto ang dalawa , kung saan nagpositibo sa yellow flourescent powder smudges si Benjie.

Narekober ang marked money at celphone ni Benjie na ginamit sa ilegal na transaksyon at iba pang ebidensiya.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with