P4.9 milyong puslit na sibuyas nasamsam ng BOC

Sa ulat, dumating ang mga container sa Tefasco Wharf noong Hulyo 19, 2021 at idineklarang 2,500 packa­ges ng pastries subalit natuklasan ng BOC-Intelligence Group (IG) at Enforcement Group (EG) na mga sibuyas ito kaya’t agad naglabas ng Alert Order laban sa consignee na GBJ Consumers Goods.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinatayang P4.9 milyong halaga ng ipinuslit na sibuyas mula China ang nasamsam ng Bureau of Customs-Port of Davao, sakay ng apat na 40-footer container nitong Hulyo 21.

Sa ulat, dumating ang mga container sa Tefasco Wharf noong Hulyo 19, 2021 at idineklarang 2,500 packa­ges ng pastries subalit natuklasan ng BOC-Intelligence Group (IG) at Enforcement Group (EG) na mga sibuyas ito kaya’t agad naglabas ng Alert Order laban sa consignee na GBJ Consumers Goods.

Agad isinagawa sa 100% physical examination ng ­examiner ang shipment na positibong mga bag ng red onions ang laman.

Agad ding naisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ang nasabing shipment kaugnay sa Section 1400 (Misdeclaration of Goods Description) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Show comments