^

Metro

Curfew sa Metro Manila, mas pinaikli pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Curfew sa Metro Manila, mas pinaikli pa
Ilalabas ang isang resolusyon sa pinaiksing curfew hours anumang oras, ngayon o bukas.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Mula alas-12 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw

Simula ngayong araw (Hunyo 15) mas maikling curfew hours na ang ipatutupad sa National Capital Region (NCR).

Ayon ito kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes (Hunyo 14).

Sinabi ni Abalos sa La­ging Handa briefing na ito ang napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila sa isinagawa nilang pagpupulong noong Linggo.

Ilalabas ang isang resolusyon sa pinaiksing curfew hours anumang oras, ngayon o bukas.

“Gusto ko nang i-announce ngayon para malaman ng lahat, nag-meeting ang mga mayor, nagkaroon kami ng votation... na starting [June] 15 in-adjust na ng Metro Manila mayors and curfew sa Metro Manila, hindi na po 10 p.m. kundi 12 a.m. to 4 a.m. na,” aniya.

Sa pamamagitan nito, may mas mahabang pagkakataon na makabisita sa mga mall at restoran na hindi na kailangang magmadali dahil sa mas mahabang oras na bukas.

“This will give more time sa mga taong kakain sa restaurant, sa mga malls na magbukas, sa travel time, at makatulong ng husto sa ating ekonomiya,”aniya pa.

vuukle comment

CURFEW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with