_ngayon
^

Metro

3 Chinese dinukot ng kababayan, nasagip

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 Chinese dinukot ng kababayan, nasagip
Kinilala ang mga nasagip na sina Zhen Xiao, 24, isang cook; Gao Feng, 29; at Lin Lin, babae, 37, POGO employee.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong Chinese national na dinukot at ikinulong ng mga kapwa nila  mga Tsino sa isang bahay sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasagip na sina Zhen Xiao, 24, isang cook; Gao Feng, 29; at Lin Lin, babae, 37, POGO employee.

Isa sa mga suspek ang nadakip ng mga pulis na kinilalang si Jun Chen, 28, habang pinaghahanap pa ang  kasabwat na si Wen Zhongyang, 22, at apat pang hindi nakikilalang lalaking Chinese nationals.

Sa ulat, nirespondehan ng mga tauhan ng Dagonoy Police Community Precinct ang ulat na isang Chinese national na nakaposas ang palakad-lakad sa Opalo Street sa Sta. Ana at humi­hingi ng saklolo. Nang ka­ni­lang respondehan, sinabi ng biktima na dinukot siya at dalawa pang kasamahan na nakakulong pa sa isang bahay sa Dita Street sa Makati.

Dito rumesponde ang mga pulis at tiyempong inabutan ang insidente ng pagtalon umano ng isang lalaki sa katabing bahay.  Nang kanilang puntahan, dito nila nakita ang suspek na si Jun Chen na may pinsala sa katawan at nakahiga sa sahig.  Kinilala siya ng biktima na kasama sa dumukot sa kaniya.

Nang pasukin ang itinuturong bahay sa tulong ng may-ari nito, dito tumambad ang isang lalaki at isang babaeng Chinese national na nakagapos na kanilang agad na iniligtas.

Ayon sa isa pang biktima, siyam na araw na siyang nakakulong at tinangay pa ang P500,000 na ipadadala sana niya sa kaniyang pamilya sa China.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with