2 pang MMDA enforcers sa extortion video sibak

MANILA, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ang dalawang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sangkot sa robbery-extortion na nakunan ng video at nag-viral sa social media noong nakalipas na linggo.

Ito’y matapos aprubahan ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang termination from service nina traffic enforcers Mark James Ayatin at Jayson Salibio,  kapwa nakatalaga sa C5 Special Traffic Zone at job order (JO) personnel.

Mayo 12 nang ireklamo ng isang Christ Edward Lu­magui sina Ayatin at Salibio matapos pahintuin ang kaniyang sasakyan noong Mayo 7 sa Levi Mariano ­Avenue corner C5 sa Taguig City, habang siya ay pa-U-turn.

Sinabihan siya ng dalawa na may nagawa siyang traffic violation. Nang hindi pagbigyan ang kanyang pakiusap na mabigyan ng konsiderasyon ay nagpa-isyu na lamang siya ng tiket para sa kaniyang violation.

Hiningi umano ang driver’s license niya at inutusan na mag-U-turn at doon sila mag-usap sa kabilang kalye.

Ang pinsan ng complainant ang kumuha ng video sa nangyayari at tiningnan pa ang kuha nito bago nanghingi ng P300 kapalit ng violation.

Show comments