_ngayon
^

Bakuna sa Makati mas marami kaysa sa nagparehistro

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sobra ngayon ang suplay ng bakuna sa Makati City sa pagdating ng mga bagong doses ng bakunang AstraZeneca at Pfizer kaya mas marami na ngayon ang bilang nito kaysa sa mga residente na nagparehistro para mabakunahan, ayon kay City Mayor Abby Binay.

Sinabi ng alkalde na nasa 25,000 doses ng naturang mga bakuna ang dumating na sobra-sobra sa 2,000 na lamang na backlog sa mga nagpatala sa kanilang ‘online registration’.

“Kulang na ‘yung aking babakunahan kumpara doon sa aking ibabakuna. Mara­ming dumating ngayong araw na ito,” sabi ni Binay.

Ngunit itinuturing pa rin ito ni Binay na magandang problema kaysa sa walang makuhanang bakuna.

“So ako naman po ay nakikiusap sa ating kababayan dito sa Makati na magrehistro na dahil ang dami nating dumating na bakuna ngayong araw na ito,” panawagan ng alkalde. Maaari umano kaya nagkakaroon pa ng alinlangan na magparehistro ang maraming taga-Makati City dahil sa naghihintay pa sila ng brand ng bakuna na gusto nila.

ABBY BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with