Community cake pantry, bagong paandar sa Maynila

MANILA, Philippines — Isang matamis na ‘community pantry’ na tampok ang pamimigay ng mga cakes at cupcakes ang bagong paandar naman ng mga mi­yembro ng Sangguniang Kabataan sa isang barangay sa lungsod ng Maynila.

Tampok sa ‘community pantry’ ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 583 ang mga cake at cupcake na ang mismong SK kagawad na si Mae Pascua ang nag-bake.

Sikat sa ibang community pantry ang temang “kumuha ayon sa pangangailangan”. Ngunit sa community pantry sa Brgy. 583, tema naman nila ang “kumuha ayon sa blood sugar”.

Pero bukod sa mga cakes, namimigay rin ang community pantry nila ng ibang pagkain tulad ng gulay, itlog, bigas, groceies na kailangan ng mga residente sa barangay na kinakapos ngayon sa panggastos dulot ng pandemya.

Show comments