_ngayon
^
Feeding program naman sa Manila Police
Isinagawa ng mga tauhan ng Paz Police Community Precinct ng MPD-Ermita Police Station 5 ang feeding program sa may Paco.
Miguel De Guzman/ File

Feeding program naman sa Manila Police

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil na rin sa impluwensya ng sikat ngayon na mga “community pantries”, isang presinto ng Manila Police District (MPD) ang nagpa-feeding program naman kahapon sa mga mahihirap na residente ng Paco, Maynila.

Isinagawa ng mga tauhan ng Paz Police Community Precinct ng MPD-Ermita Police Station 5 ang feeding program sa may Paco.

Nasa 500 indibidwal ang pinakain ng mga pulis ng lugaw at tinapay. Naging maayos naman ang pagpapakain sa mga residente na pumila at nagpatupad ng physical distancing. Ayon sa pulisya, inspirasyon nila ang Maginhawa Community Pantry sa Quezon City sa pagtulong sa mga nagugutom ngayon. Ngunit sa halip na community pantry, feeding program ang kanilang naisip para diretsong makakakain ang mga mahihirap.
Laking pasalamat ng mga residente sa mga pulis sa programa habang inaasahan na magsasagawa muli ng kahalintulad na programa ang MPD sa ibang mga araw.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with