^

Metro

Lola patay nang salpukin ng motorsiklo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 69-anyos na lola  ang namatay matapos salpukin ng isang motorsiklo habang tumatawid ang biktima sa kalsada sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center si Guadalupe Agpalo, 69, ng 497 Camia St. Malaria, Tala Brgy. 185 dahil sa mga tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si John Angelo Ranille,20, driver ng SkyGo SG motorcycle at residente ng 27 Camia St. Malaria,Tala.

Ayon kay Caloocan police traffic investigator P/Cpl. Froilan Dela Rosa, binabagtas ni Ranille ang kahabaan ng Malaria Road dakong 7 ng gabi nang mabangga nito ang biktima na tumatawid malapit sa corner Tabon St., Brgy. 185 Tala.

Sa lakas ng impact, bumagsak ang biktima sa kalsada na naging dahilan upang mabilis na isinugod sa naturang pagamutan habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Ranille.

EAST AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with