Deadline sa pagbabayad ng real property tax sa Quezon City, inextend

Ito ay makaraang ipasa ng Quezon City Council ang Ordinance SP 3017, S-2021 na nagtatakda ng bagong deadline para sa 2021 first quarter real property tax payment na nag- aamiyenda sa Sec. 12(b), Article 7, Chapter 2, ng Ordinance No. SP-91, 81993 o Quezon City Tax Code.
Quezon City Government

MANILA, Philippines — Dahil sa implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)  sa ‘BCR Plus’, pinalawig ng  Quezon City government  ang  deadline sa pagbabayad ng  real property tax  at  tax amnesty hanggang April 20.

Ito ay makaraang ipasa ng Quezon City Council ang  Ordinance SP 3017, S-2021 na nagtatakda ng bagong deadline  para sa  2021 first quarter real property tax payment  na nag- aamiyenda sa  Sec. 12(b), Article 7, Chapter 2, ng  Ordinance No. SP-91, 81993 o  Quezon City Tax Code.

Ipinasa rin ang Ordinance SP-3018 S-2021  na nagtatakda ng bagong deadline para sa pagbibigay ng  tax amnesty sa real property owners mula sa pagbabayad ng  interest  para sa  delinquent real property taxes.

Ayon kay  QC Mayor Joy Belmonte  na naiintindihan ng lokal na pamahalaan ang hirap at banta dulot ng pandemic kaya’t  sa pamamagitan ng ekstensyon hanggang April 20 sa  pagbabayad ng real property tax  at implementasyon ng tax amnesty ay mapapagaan ang gastusin ng mga property owners.

Show comments