^

Metro

Pagbubukas ng sinehan, arcade kinansela ng Metro Mayors

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pagbubukas ng sinehan, arcade kinansela ng Metro Mayors
Sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na may resolusyong ilalabas ukol dito na lalagdaan ng Metro mayors ngayong Lunes (Marso 8).
Philstar.com/Erwin Cagadas, file

MANILA, Philippines — Nagpasya ang mga alkalde sa National Capital Region na suspendihin pansamantala ang operasyon ng mga sinehan at amusement arcades sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na may resolusyong ilalabas ukol dito na lalagdaan ng Metro mayors ngayong Lunes (Marso 8).

Napagkasunduan sa naging pulong ng Metro Manila Council nitong Sabado na pansamantalang ipasara muna ang mga sinehan dahil sa pagtaas na naman ng mga kaso ng COVID sa Metro Manila.

“Ang ginawa ng mga mayor...medyo wala munang sinehan. Ang term is ‘temporarily suspended’ ang mo­vies, cinemas, and the arcades,” ani Abalos.

Nilinaw ni Abalos na pansamantala lang naman ito at kung gumanda-ganda na ang sitwasyon ay posibleng pabuksan muli.

Matatandaang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Pebrero 15 na maari nang magbukas muli ang mga sinehan na nasa erya ng GCQ pero naurong nitong Marso 1 matapos tutulan ng mga Metro mayors.

Gayundin naman ang naging pasya ng mga mall operator na hindi muna pabuksan ang mga sinehan na nasa GCQ.

vuukle comment

COVID-19

MMDA

SINEHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with