^

Metro

Dating konsehal, itinumba sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dating konsehal, itinumba sa Taguig
Kinilala ang biktimang si Richard Paul Jordan, dating konsehal ng Taguig City District 2, at residente ng Dinggin Bayan St., Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang dating konsehal ng Taguig City nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Richard Paul Jordan, dating konsehal ng Taguig City District 2, at residente ng Dinggin Bayan St., Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City.

Sa ulat, dakong alas 10:00 ng umaga noong Huwebes nang pagba­ba­rilin si Jordan ng dalawang lalaking armado ng mga baril sa tapat ng kaniyang inuupahang bahay sa Dinggin Bayan St., Brgy. Ibayo-Tipas, Taguig City.

 Matapos ang pa-mamaril ay nagsitakas na ang mga suspek na pinaniniwalaang sumakay sa hindi naman natukoy na sasakyan habang ang biktima ay dinala sa Taguig Pateros District Hospital kung saan siya tuluyang binawian ng buhay.

Kahapon ay bumuo na ng Special Investigation Team ang Taguig City Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek para sa ikalulutas ng kaso.

Narekober sa crime scene ang 8 basyo ng bala ng kalibre 45.

Kasunod nito, agad na iniutos ni Taguig City Mayor Lino Caye­tano sa lokal na pulis­ya ang masusing im-bestigasyon sa pamamaslang kay Jordan.

 

vuukle comment

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with