^

Metro

Kasunduan ng PUP-DND, isusunod na

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kasunduan ng PUP-DND, isusunod na
Binisita ng mga tauhan ng Philippine Army Joint Task Force NCR ang kanilang Urban Garden sa loob ng Brgy. UP Campus sa Diliman, Quezon City isang araw matapos na tapusin ng Dept. of National Defense ang kanilang kasunduan sa naturang unibersidad.
Ernie Penaredondo

Pagkatapos ng UP

MANILA, Philippines — Nagsagawa kahapon ng kilos-protesta ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila dahil sa pangamba na ang kasunduan ng kanilang pamantasan naman ang isusunod na ipawalang-bisa ng Department of National Defense (DND).

Hawak ang mga placards na nagsasabi na hindi “welcome” ang DND sa PUP, nagtipun-tipon at nagsagawa ng programa kahapon ng umaga sa harapan ng PUP Mabini campus ang mga estudyante.

Sinabi ni Prof. MJ Rafal, faculty member ng Kagawaran ng Filipinolohiya, na inaasahan na nila na PUP ang susunod na target ng DND makaraan ang panawagan ng Duterte Youth Partylist na kanselahin na rin ang kahalintulad na kasunduan ng DND sa ibang mga pamantasan.

Nabatid na pinirmahan ang PUP-DND accord nina dating DND Secretary Fidel Ramos at PUP President Nemesio Prudente noong Agosto 1990. Sa ilalim nito, hindi pinapayagang makapasok sa loob ng mga PUP campuses ang militar hangga’t hindi nagpapaalam sa sinumang nakaupong pangulo ng unibersidad.

Tinuligsa rin ng PUP Catalyst, ang opisyal na pahayagan ng pamantasan, ang Duterte Youth Partylist dahil sa kabaligtaran umano ang kanilang ginagawa sa pagsikil sa mga kabataan kaysa sa pagkatawan sa kanila sa Kongreso.

“Ito ay malinaw na pagsagka sa aming academic freedom na ineexercise po sa loob ng aming sintang paaralan,” ayon kay Catalyst editor-in-chief Maricho Tagaylo.

vuukle comment

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with