^
Paparadang sasakyan sa paligid ng Quiapo Church, kukumpiskahin
Dumagsa na ang mga deboto na du­malo sa isi­nagawang misa kahit sa labas ng Simbahan ng Quiapo sa bisperas ng kapista-han ng Itim na Nazareno.
Kuha ni KJ Rosales

Paparadang sasakyan sa paligid ng Quiapo Church, kukumpiskahin

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga motorista, riders at maging mga siklista na kukumpiskahin ang kanilang mga sasakyan kung makikitang iiwanan sa mga lugar na malapit at nasa paligid ng Quiapo Church ngayong mismong araw (Enero 9) ng paggunita sa Traslacion ng Itim na Poong Nazareno.

Sinabi ng alkalde na ang road closures ay istriktong ipatutupad at walang exception.

Mahigpit ding magbabantay ang mga health personnel at mga ambulansya ay naka-standby upang tumugon sa mga  emergency na panga-ngailangan.

“Pakiusap, ‘wag ka-yong mag-iiwan ng sasakyan, motor o bisikleta… anything that we see that are unnecessary in the streets near and around Quiapo, Plaza Miranda, Carriedo, Quezon and Avenida ay amin pong kukumpiskahin. Pasensiya na po,” sabi ni Moreno 

Kahit aniya, may lib­reng face masks at face shields na ipinamimigay ang lokal na pamahalan sa mga dadalo sa mga misang idaraos sa Minor Basilica of Black Nazarene o Quiapo Church, umapela pa rin ang alkal­de na huwag nang magtungo sa nasabing simbahan ang mga deboto upang hindi magkaroon ng pagsisiksikan, lalo na sa mga lugar na mayroon namang mga simbahang nakatalagang magdaos ng misa para sa Itim na Nazareno.

 Umapela rin ang pa­­munuan ng Archdiocese of Manila sa mga deboto ng Itim na Poong Nazareno na sa kani-kanilang parokya na lamang dumalo ng misa at nobena at huwag nang dumayo at makipag­siksikan sa simbahan ng Quiapo ngayong araw ng kapistahan.

Sinabi ni Manila Apos­tolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na makabubuti ito upang iwasan na magkaroon ng hawaan sa COVID-19  sakaling hindi mapigilan  ang pagsisiksikan.

QUIAPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with