^

P250 milyong inilaan ng Parañaque para sa bakuna

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Katulad sa ibang lungsod sa Metro Manila, may nilaan na ring pondo ang  pamahalaang lungsod ng Parañaque na P250 milyon para maipambili ng CO­VID-19 vaccine sa oras na may maaprubahan na ang nasyunal na pamahalaan at maaari nang makabili nito.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ang P200 milyon ay kukunin buhat sa 2021 general fund habang ang nalalabing P50 milyon ay magmumula sa pondo ng local school board.

Uunahin umano ng Pa­rañaque Health Department ang mga medical at iba pang frontliners, senior citizens at iba pang residente na may ‘vulnerable’ sa virus.

Sinabi ni Olivarez na maging ang kaniyang mga kapwa alkalde sa Metro Manila ay naglaan na rin ng kani-kaniyang pondo para sa pagbili ng bakuna at naghihintay na lamang ng mga panuntunan buhat sa Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA) para sa pagbili ng bakuna.

Dahil sa kadikit lamang ang mga paliparan, inalerto na rin ni Olivarez ang mga barangay chairman upang ma-monitor ang mga dumarating na balikbayan partikular na ang mga galing sa Europa, at South Africa dahil sa ulat ng bagong strain ng COVID-19.

Kasalukuyang nasa 8,049 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa siyudad at 206 sa kanila ay mga nasawi.  Nasa 7,742 naman ang gumaling sa sakit habang may 101 pang aktibong mga kaso.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with