Serial rapist,timbog
Nakilala ang nadakip na si Marianito Sta. Maria, 27, na natunton ng mga tauhan ng Cubao Police Station sa harap ng bus terminal sa may JP Santos St., dakong alas-3:40 ng madaling araw, ayon kay QCPD director B/Gen. Danilo Macerin.
Artemio A. Dumlao

Serial rapist,timbog

Emmanuel Tupas (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police ang tinaguriang serial rapist na suspect sa panghahalay sa isang massage therapist sa isinagawang operasyon sa Malibay, Pasay City.

Nakilala ang nadakip na si Marianito Sta. Maria, 27, na natunton ng mga tauhan ng Cubao Police Station sa harap ng bus terminal sa may JP Santos St.,  dakong alas-3:40 ng madaling araw, ayon kay QCPD director B/Gen. Danilo Macerin.

Nag-ugat ang operasyon laban sa suspect matapos itong ireklamo ng isang therapist na hinalay ng una   sa isang apartelle sa Brgy. E. Rodriguez sa QC  noong nakalipas na Lunes.

Ayon sa biktima, kinontak umano siya ng suspect sa pamamagitan ng social media platform at humiling nang 2-hour massage katumbas ng bayad na P2,000.

Matapos ang masahe, hinihingi na ng biktima ang bayad pero imbes na magbayad, tinutukan siya  ng kutsilyo ng suspect   kung saan kinuha pa ang pera at cellphone nito saka siya hinalay.

Matapos maaresto, naglutangan naman ang iba pang na­ging biktima ng suspect.

QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with