Kaso ng leptos sa Quezon City, bumaba ng 83%

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines — Nakapagtala ang Quezon City ng 83 percent na pagbaba sa kaso ng leptospirosis sa unang 11 buwan ng taong 2020.

Batay sa report ng City Health Department (CHD),  may 58 leptospirosis cases ang QC at 3 namatay mula January 1 hanggang November 21 o may  83 percent na pagbaba mula sa  345 cases na naitala sa kaparehong period ng 2019.

Ayon kay Dr.Rolando Cruz, heads  ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), ang pagbaba ng kaso ay bunga ng agresibong prevention campaign ng lokal na pamahalaan at mabilis na pagtugon  sa mga responders at komunidad na naapektuhan ng  mga pagbaha dulot ng nagdaang bagyo.

“We immediately gave antibiotics such as doxycycline to our responders and citizens who were exposed to contaminated flood waters. Thankfully we were able to control the disease so far, and we hope to maintain this until the end of the year,”  pahayag ni Cruz.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga taga-lungsod na patuloy na mag- ingat sa paglusong sa baha sa pamamagitan ng pagsusuot ng protective gears katulad ng bota o pag-iwas sa pag­lusong sa mga baha.

Ang sintomas ng leptos­pirosis ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, gini­ginaw, muscle pain, pamumula ng mata, pagsusuka, pagsakit ng ulo, pagtatae at pagdilaw ng balat. Kapag pinabayaan ito, magiging ugat ito ng pagkakaroon ng kidney failure, massive internal bleeding at maaa­ring ikamatay ng isang tao.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with