Pulis sinuspinde ng 1-taon sa pananakit ng trike driver

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng isang taon ng Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang isang pulis dahil sa kasong oppression at grave abuse of authority.

Sa 7-pahinang desisyon, napatunayan ng QC-PLEB District III na si  PO2 Rick Tanguilan ay guilty sa pananakit ng isang tricycle driver noong  2017.

Bukod sa suspension, inatasan din ng PLEB si Tanguilan na sumailalim sa Focused Reformation/Reorientation and Moral Enhancement Seminar bago ito bumalik sa serbisyo.

“While it is true that the police are our partners in law enforcement in maintaining peace and order, we leave no room for erring cops in this city,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.

Ang PLEB ay kasalukuyang pinangangasiwaan ni Atty. Rafael Calinisan bilang Executive Officer nito mula noong Hulyo July 2020.

Ayon kay Mayor Belmonte, inatasan niya si Calinisan at ang PLEB Board na aksyonan ang lahat ng kaso na naisampa rito laban sa mga abusadong mga pulis at pangalagaan ang mamamayan mula sa mga lumalabag sa batas.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng tricycle driver na si Jerry Jermina na nagsabing sinaktan siya ng ilang beses ni Tanguilan gamit ang dulo ng baril nito noong Enero 11, 2017.

PLEB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with