Divisoria minomonitor sa paglabag sa social distancing

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigpit ang ginagawang pagmomonitor ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Divisoria makaraang dagsain ng maraming mamimili at hindi na nasusunod ang protocol sa social distanmcing.

Kasabay nito nagbabala  si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga mamimili na hindi sila magdadalawang isip na paghuhulihin at ikulong ang marami sa mga ito dahil sa mga pagsuway.

Kumalat ang mga larawan sa social media ng labis na pagsisiksikan ng mga mamimili sa Divisoria na tila hindi na alintana ang COVID-19.

“Ngayon, magsasaway kami, baka magpakulong pa kami ng tao.  Bakit ba hindi kung talagang nilalabag na ang batas  at sinasadya na?  But it doesn’t only goes to Divisoria,” ayon kay Moreno.

Sinabi ng alkalde na patuloy naman ang pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng mga protocol ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) ngunit hindi naman umano talaga maiiwasan ang pagdagsa ng daang-libo o milyong tao sa lungsod lalo na sa Divisoria at sa mga simbahan.

“Kaya ako patuloy na nananawagan kung mahal ninyo ang buhay ninyo, at sinasabi ninyong mahal na mahal ninyo ang sarili ninyo, show it to your actions not to your words because you cannot just merge in a particular area nang sabay-sabay,” panawagan ni Moreno sa mga magtutungo sa Maynila.

Ipinaalala niya na sa loob ng nakalipas na walong buwan, sinabi na ng World Health Organization (WHO) na ang pinakamabilis na paraan para mahawa ng virus ay ang pagi­ging malapit sa ibang tao kaya isa sa pangunahing ipinatutupad na protocol ang physical distan­cing.

DIVISORIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with