^

70% ng Maynilad customers, halos isang linggong mawawalan ng tubig

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabutin ng halos isang linggo na makakaranas ng pagkawala ng suplay ng tubig ang may 70 percent ng mga kostumer ng Maynilad Water na nagsimula kahapon hanggang November 24.

Ito ay dahil sa ginagawang paglilinis ng Maynilad sa kanilang basin dahil sa pagtaas ulit ng turbidity level o paglabo ng tubig na pumasok sa kanilang planta na nagmula sa Ipo at Angat dam.

Partikular na  apektado ng water interruption ay mga residente ng QC, Pasay , Maynila, Caloocan, Obando Bulacan, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Makati at ibang bahagi ng Cavite.

Ayon kay Engr. Ronaldo Padua, Water Supply Ope­rations Head ng Maynilad , kailangang bawasan ang water production para matiyak na maayos ang kalidad ng  tubig na kanilang tinatanggap mula sa naturang mga dam.

Nilinaw naman ni Padua na walang kostumer na mawawalan ng suplay ng 24 hours kundi may window lamang sa isang araw na mawawalan ng suplay ng tubig ang mga customers.

MAYNILAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with