^

Quezon City umayuda na rin sa mga taga-Bicol

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpadala na rin ng isang team ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) si QC Mayor Joy Belmonte para tumulong sa mga residente na matinding sinalanta ng bagyong Rolly sa Bicol Region.

Ayon kay Myke Ma­ra­sigan, head ng QCDRRMO, mismong si Mayor Belmonte ang nagkusa para magpa­dala ng team sa Bicol upang ma-bigyan ng ayuda ang mga residente para makaba-ngon mula sa hagupit ni Rolly. Partikular aniyang pupuntahan ng kanilang grupo ang mga lalawi-gan ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes sa naturang rehiyon.

Nabatid na bago umalis ang team, suma­ilalim muna sila sa swab test at body temperature para matiyak na negatibo sa COVID-19.

Dala ng tropa ng QCDRRMO ang mga ka­gamitan sa paglilinis at fire truck na may dalang maiinom na tubig bukod sa relief goods na ipamimigay sa mga residente na wala pa ring sapat na pagkain dahil sa mga nasira nilang kabuhayan.

BICOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with