Alert level 1, itinaas sa Marikina River

Sangkaterbang basura ang nahakot sa baybayin ng Manila Bay kahapon na dulot ng bagyong Quinta.
Kuha ni KJ Rosales

MANILA, Philippines — Bunsod ng malakas na hangin at ulan na dala ng bagyong Quinta  kaya itinaas sa alert level 1 ang Marikina River sa Marikina City kahapon.

Ayon sa Marikina City government, umabot ng hanggang 14.7 meters, ang tubig na dumadaloy sa ilog, bunsod na rin ng pabugso-bugsong malalakas na ulan.

Base sa panuntunan na ipinatutupad ng City Disaster Risk Reduction Management Council ng Marikina, kapag umabot sa 14.5 to 15  meters ang tubig sa ilog ay awtomatik na itataas ang alerto sa level 1.

Kapag, umabot naman sa 16 meter ang tubig sa ilog ay isasagawa na ang pre-emptive evacuation sa mga residente na nakatira malapit sa pampang ng Marikina river.

Kapag umabot 17 to 18 meters ay tubig sa ilog ay isasagawa na ang force evacuation sa mga residente.

Ayon sa mga tauhan ng Marikina rescue, kabisado na rin ng mga nakatira sa mga barangay na nasa baybayin ng Marikina river ang nasabing kautusan na taun-taon na ring ipinatutupad mula ng manalasa ang bagyong Ondoy sa Marikina City.

Ang bagyong Quinta ay may dalang malakas na hangin at ulan na nanalasa sa Bicol region at Mimaropa.

 

Show comments