Patay sa pandemya sa Valenzuela, 5; Malabon, 3

yon sa Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit na 227 na ang namamatay dahil sa COVID-19 sa lungsod nitong Oktubre 17.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines  — Nadagdagan pa ng lima ang bilang ng mga namatay dahil sa pan­demya sa Valenzuela City sa loob ng tatlong araw habang tatlo naman sa Malabon.

Ayon sa Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit na 227 na ang namamatay dahil sa COVID-19 sa lungsod nitong Oktubre 17.

Lumobo rin ang bilang ng mga confirmed cases mula 7,434 patu­ngong 7,518, at sumipa din ang gumaling mula 6,751 paakyat sa 6,929, habang bumaba naman active cases mula 461 patungong 362.

Samantala, nakapagtala naman ng tig-isang patay sa CoViD-19 ang Barangay ng Baritan, Concepcion at Tinajeros sa Malabon City nitong Oktubre 17 at umakyat na sa 201 ang pandemic fatalities sa lungsod ayon sa City Health Department.

Anim naman ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa at sa kabuuan ay 5,275 ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, 161 dito ang active cases habang 4,929 ang reco­vered patients.

Samantala, dumami naman ng apat ang nagpositibo sa COVID sa Navotas at 11 naman ang gumaling.

Umabot na sa 5,306 ang positive cases sa lungsod, kung saan 4,794 na ang gumaling, 144 na ang namatay at 98 na lamang ang active cases.

Show comments