Pulis itatalaga malapit sa tirahan-PNP
Sa ginanap na press briefing, sinabi ni PNP Chief General Camilo Pancratius Cascolan na prayoridad niya ang kapakanan ng bawat PNP personnel at mapataas ang moralidad ng mga ito.
KJ Rosales/File
Pulis itatalaga malapit sa tirahan-PNP
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isusulong ni PNP Chief General Camilo Pancratius Cascolan ang ‘localization’  o pagtatalaga sa mga pulis sa kanilang assignments na malapit sa kanilang tirahan.

Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Cascolan na prayoridad niya ang kapakanan ng bawat PNP personnel at mapataas ang moralidad ng mga ito.

Nakasaad aniya sa Section 63 ng Republic Act 8551,  na ang PNP members na may ranggo na Patrolman/woman hanggang Police Executive Master Sergeant ay  itatalaga sa city at municipality o sa lugar na malapit sa kanilang tirahan.

Naniniwala si Cascolan na sa pamamagitan ng nasabing programa, mas magiging epektibo at mabilis ang trabaho ng mga pulis. Mas madali ring makakasama ng  mga pulis ang kanilang pamilya.

Karamihan sa mga pulis ay pamilyadong tao at nais na makasama ang kanilang pamilya bagama’t nagseserbisyo.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with