4 bata ‘ibinubugaw’ sa online, nasagip ng PNP
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nailigtas ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center ang apat na batang babae at lalaki habang isa ang naaresto sa pagbebenta sa mga bata sa online sa isinagawang operation sa Taguig City.

Sa ulat, ang mga nasagip na bata ay nasa edad 6 (lalaki), 9, 10 at 17 pawang mga babae samantala hindi pinangalanan ang inarestong suspek na kamag-anak ng mga biktima para sa kanilang proteksyon.

Ayon kay Col. Maria Sheila Portente, chief ng Anti Trafficking in Person Division ng PNP-WCPC, isinagawa ang operation nang matukoy ang pagbubugaw ng suspek sa mga biktima sa online.

Nitong nakaraang buwan, 13 bata ang nasagip ng PNP-WCPC sa isinagawang operation sa Bislig Surigao Del Sur.

Sinabi ni Portente na pinipilit ang mga bata na gumawa ng mga mahahalay na aksyon sa harap ng camera habang pinapanood ng mga customer sa online at pinadadala ang kabayaran sa pamamagitan ng online payment.

Ayon pa kay Portente, na ibinebenta o isini-share ang mga video at litrato sa mga kustomer.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with