^
5,856 napatay sa drug war ng pamahalaan âPDEA
Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa pagtaya ng ilang non-government at rights group na nagsabing posibleng aabot na sa may 27,000 ang mga drug suspects na napapatay sa war on drugs, na inilunsad ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte, simula nang maupo ito sa puwesto.
Ernie Penaredondo

5,856 napatay sa drug war ng pamahalaan –PDEA

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umaabot sa 5,856 drug suspects na ang napapatay simula nang umpisahan ng pamahalaan ang giyera nito laban sa illegal na droga.

Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa pagtaya ng ilang non-government at rights group na nagsabing posibleng aabot na sa may 27,000 ang mga drug suspects na napapatay sa war on drugs, na inilunsad ni Pa­ngulong  Rodrigo Duterte, simula nang maupo ito sa puwesto.

Sa datos ng PDEA, lumilitaw din na nasa kabuuang 176,777 na ang anti-illegal drugs operations na naisagawa simula Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 31, 2020, na nagresulta sa pagkakaaresto ng may 256,788 drug suspects sa buong bansa.

Sa mga nadakip, 10,308 ang itinuturing na high ­value targets (HVTs), na kinabibilangan ng may 282 foreign nationals, 352 elec­ted officials, 102 uniformed personnel, 431 government employees, 2,957 listed targets, 746 drug group leaders at members, 66 armed group members, 986 drug den maintainers, 229 listed wanted individuals, 16 celebrities at prominent personalities, at 4,141 naman ang mula sa high-impact operations.

Nakakumpiska na rin naman ang mga awtoridad ng kabuuang P43.69 bilyong halaga ng suspected shabu at kabuuang 620 dens at clandestine laboratories ang kanilang nabuwag.

Umaabot naman sa kabuuang 20,165 barangays ang nalinis na mula sa ilegal na droga habang 14,171 naman ang hindi pa.

Nakasagip din naman umano sila ng kabuuang 3,322 kabataan na umano’y sangkot din sa illegal drug activities sa isinagawa nilang mga operasyon.

DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with