MANILA, Philippines — Isasailalim sa ‘‘Oplan Tokhang” ang mga barangay captains na hindi tumutugon sa kampanya ng pama-halaan laban sa ilegal na droga.
Ito ang ibinabala ni PDEA director general Wilkins Villanueva.
Ang babala ay ginawa ni Villanueva base na rin sa kanilang la-test report kung saan 14,171 o 33.70 percent ng 42,045 barangay sa bansa ang nanana-tiling apektado ng illegal drugs.
Nasa kabuuan namang 20,165 barangay sa buong bansa ang nalinis na sa ilegal na droga sa pagsisimula nang panunungkulan ni Pangulong Duterte.
Idinagdag pa ni Villanueva na nakatuon ang kanilang paningin sa mga nagpapabayang barangay officials lalo na ang hanggang sa ngayon ay hindi nagtatatag ng kanilang barangay anti-drug abuse councils (BADACs) na isang mahalagang aksyon para malabanan ang ilegal na droga.
Sinabi naman ni PNP chief General Camilo Cascolan, posibleng magamit nga uli ang salitang ‘Tokhang’ o ‘Toktok Hangyo’ na ito ay isang community relations activity na naglalayong himukin lamang ang mga kapitan ng barangay na tumulong sa war on drugs ng pamahalaan.
Giit pa ni Cascolan, dapat lamang na mu-ling maging aktibo ang mga barangay officials sa pamamagitan nang pagbuhay sa BADAC.
Aniya, irerekomenda niya ito kay Interior Secretary Eduardo Año upang kalampagin ang mga barangay chairman na tumulong sa paglaban sa droga sa kanilang barangay.
Inamin naman ni Villanueva na nagkaroon ng pagbagal ang drug clearing programs ng LGUs dahil sa nakasentro ang bansa sa paglaban sa COVID-19.
Sinabi nito na ang ahensiya ay nakikipag- ugnayan na sa PNP para masentro ang kanilang operasyon sa paglaban sa illegal drugs sa barangays. Angie dela Cruz