P6.8 milyong shabu nasamsam
Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, nakuha sa suspek na si Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City ang tinatayang nasa 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6, 800,000.
STAR/File
P6.8 milyong shabu nasamsam
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 mil­yon ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang big-time na ‘tulak’ sa ikinasang follow up buy-bust operation sa Taguig City.

Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, nakuha sa suspek na si  Rahib Abdul, 34, ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City ang tinatayang nasa 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6, 800,000.

Sinabi ni Ylagan na  ala-1 ng hapon nang isa­gawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLt. Col Giovanni Hycenth Caliao I at P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. ang follow  up buy-bust ope­ration kontra sa suspek sa may M. L. Quezon St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig, City sa koordinasyon sa PDEA at kay P/Col. Celso Rodriguez, hepe ng Taguig City Police.

Agad na dinamba ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng P150,000 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer.

Sinabi ni Caliao na ang naturang operas-yon ay nag-ugat sa mga nauna nilang drug ope­ration noong September 2 at 10, 2020 sa Caloocan City.

Nagresulta naman ito sa pagkakaaresto sa walong drug personalities, kabilang ang leader at mga miyembro ng Onie Drug Group na nag-o-ope­rate sa CAMANAVA area kung saan umabot sa 400 gramo ng shabu ang kanilang nakumpiska. Ludy Bermudo

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with