P4.5 milyong shabu nasamsam ng Customs sa NAIA
Ininspeksyon ng mga tauhan ng Customs at PDEA ang mga lata na pinaglagyan ng mga shabu buhat sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng P4.5 milyon sa isang bodega malapit sa NAIA.
Rudy Santos
P4.5 milyong shabu nasamsam ng Customs sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan ang nasa 640 gramo ng pinaghi-   hinalaang shabu na nagkakahalaga ng P4.5 milyon matapos itong mabuko sa isang bodega ilang metro ang layo sa nabanggit na paliparan.

Ayon kay Talusan, natiktikan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang mga epektos sa isang lugar sa DHL Warehouse sa Pasay City. Ang mga epektos ay galing Las Vegas, Nevada, USA at naka-consigned sa isang taga- Hagonoy Bulacan.

Ayaw pang banggitin ng Customs ang mga pangalan nito habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga awtoridad.

Sinabi ni Talusan, ang mga nasamsam na shabu ay sadyang itinago sa loob ng mga lata ng wafer at mga pakete ng tsokolate, pinalamanan sa mga laruan, candies at tsinelas. Sa pamamagitan ng pina­igting na pagbabantay  nabuko ang mapanlinlang na pamamaraan.

Pormal nang itinurn- over ang nasamsam na ilegal na droga sa pangangalaga ng PDEA.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with