^

Metro

Pagpapalayas sa nurse na may COVID-19 sa boarding house, pinaiimbestigahan ni Mayor Abby

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Makati Mayor Abby Binay ang diskriminasyon na sinapit ng isang frontliner na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na matapos palayasin sa boarding house ay pinagkaitan  din ng tulong ng barangay health center.

Sinabi ng tagapagsalita ng Makati City Government na si Michael Camiña, isang agarang imbestigasyon ang iniutos ni Mayor Binay para matukoy ang sinumang responsable sa ginawang diskriminasyon sa isang nurse na customer representative ng isang health insurance company.

Ang Philippine Red Cross ang nag-rescue sa nasabing nurse na inabutang nakaupo lamang sa gutter ng J.P. Rizal Street  at kasalukuyang naka-confined na sa Quezon Institute, matapos na hindi rin inasikaso ng Brgy.Olympia.

Binigyang-diin ni Camiña na sinumang mapapatunayan na responsable sa nasabing mga insidente ay mananagot sa ilalim ng umiiral na city ordinance hinggil sa diskriminasyon sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 at sa mga manggagawang frontliners sa paglaban sa nasabing virus.

Sa ilalim ng Section 5 of City Ordinance 2020-087,  na ipinasa ng Makati City Council noong Abril 8, 2020, hindi dapat na ma-bully,  pagkaitan ng serbisyo at hindi dapat paalisin sa boarding houses o anumang lugar na kaniyang inuupahan ang sinumang dinapuan ng virus.

Ang mapapatunayang responsable ay  pagmumultahin ng P5,000 at posible pang makulong ng isang taon.

Iginiit pa ni Camiña na ang Makati ay may sariling quarantine facilities at protocols para sa paghawak sa mga kaso ng (COVID-19).

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with