Parañaque tinaguriang ‘model city’ sa paglaban sa COVID-19

MANILA, Philippines — Pinuri ni National Task Force COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez ang Parañaque sa pagiging ‘model city’ sa  ginagawang paglaban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ito ni Galvez sa ginanap na pulong nitong Huwebes (Agosto 6) sa Parañaque City hall kung saan nata-lakay din ang bagong itinayong ‘One Hospital’ Command Center, na centralized at round the clock na magmomonitor at magbibigay ng gabay sa mga ospital sa bansa para malaman kung saan available at maaa-ring i-accommodate ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa Metro Manila.

“Launching of One Hospital Command Center is timely and the system will help government to efficiently oversee coordination, referral of patients across health facilities and ensure to have enough hospital beds for moderate and severe COVID-19 cases,” ani Galvez.

Ani Galvez, ang sama-samang pagsi­sikap at systematic workflow na ginagawa ng mga opisyal ng Parañaque sa pangu­nguna ni  Mayor Edwin Olivarez ay kapuri-puri at maitutu­ring na ‘model city’.

Ang pamahalaang lungsod ay nagsasa­gawa ng  testing at contact tracing sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, aniya pa.

“The strategies are really working and they are already implemen-ting it at the barangay level. They know where to address the problem,” aniya.

 

Show comments