3 PETCs, sinuspinde ng DOTr

Sa isang advisory, nabatid na kabilang sa inisyuhan ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017) ng DOTr, sa pamamagitan ng kanilang Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), ang Rañeva Enterprises, na matatagpuan sa F. Sevilla Blvd., Cor. Leoño St., Tañong, Malabon City.
Michael Varcas, file

Namemeke ng resulta ng emission test

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong Private Emission Testing Centers (PETCs) na sinasabing namemeke umano ng mga resulta ng emission tests.

Sa isang advisory, nabatid na kabilang sa inisyuhan ng preliminary suspension order (Department Order 2016-017) ng DOTr, sa pamamagitan ng kanilang Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), ang Rañeva Enterprises, na matatagpuan sa F. Sevilla Blvd., Cor. Leoño St., Tañong, Malabon City.

Gayundin, suspendido rin maging ang dalawang sangay ng Triple D Emission Test Center, Co. na matatagpuan sa Cervantes Compound, San Matias, Guagua, Pampanga at sa LTO Compound, Dolores, Capas, Tarlac.

Ayon sa DOTr, epektibo ang naturang kautusan sa loob ng 90-araw.

Nabatid na napada­l­han na ng DOTr ng kopya ng suspension order ang mga naturang concerned PETCs, gayundin ang PETC IT Service Provider ng mga ito upang impormahan hinggil sa suspensiyon.

Binalaan din ng DOTr ang naturang IT Service Providers na papatawan ng kahalintulad na kaparusahan kung babalewalain ang kanilang kautusan at ipagpapatuloy ang pagproseso ng mga datos na isinusumite sa kanila ng mga suspendidong PETCs.

Show comments