^

Metro

Mas pinahigpit na checkpoints balik sa MECQ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mas pinahigpit na checkpoints balik sa MECQ
Matinding trapik ang naranasan sa may Alabang-Zapote road sa Las Piñas City kahapon matapos na dumagsa ang mga mamimili bilang paghahanda sa pagpapatupad ng MECQ sa NCR.
Kuha ni Rudy Santos

MANILA, Philippines — Muling maglalagay ng mga checkpoints partikular sa mga boundary ng mga lungsod sa Metro Manila at mga lalawigan na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Ito ang inihayag kahapon ni Joint Task Force COVID Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng modified ECQ sa National Capital Region at karatig probinsya nito dahil sa mataas na bilang ng nagkaka-COVID.

“Basically, kung dati ang checkpoints natin ay doon sa mga boundary ng regions at ng mga probinsya, ‘yung mga apektado ng MECQ, pati boun­dary ng cities and municipalities dapat may mga checkpoints na rin tayo, kasi ang ating iiwasan diyan ay itong mga mag-a-avail ng goods and services na mangingibang bayan pa,” ani  Eleazar .

Nilinaw ni Eleazar, na ang mga awto­risadong personnel lamang ang papayagang makabiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng  MECQ.

Sinang ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang panawagan ng mga medical professionals na muling ipatupad ang  lockdown sa  Metro Manila at ilang lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng CoVid-19.

Simula ito ngayong araw na bukod sa MM ay sasailalim din sa MECQ ang lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan  na magtatagal hanggang Agosto 18.

Sinabi ni Eleazar na inutos na rin ni PNP chief Gen. Archie Gamboa  ang pag -iisyu ng guidelines sa lahat ng mga  police chief na apektado ng  quarantine.

Panawagan ni ­Eleazar, manatili sa  bahay at sundin ang mga health protocols upang maiwasang kumalat ang virus.

 

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with