1,943 traditional jeep, magbabalik-pasada ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 1,943 tradisyunal na jeepney ang magbabalik pasada mula ngayon, araw ng Miyerkules para sa 17 bagong ruta sa Metro Manila.

Ito ay makaraang payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2020-029 na mag-operate muli ang nasabing mga sasakyan bilang karagdagang pampasaherong jeepney na magseserbisyo sa mataas na bilang ng mga commuters sa Kalakhang Maynila.

Dahil sa dagdag na bilang, umaabot na sa 7,945  traditional jeepney ang pinayagan ng LTFRB na magbalik ope­rasyon o may 14 percent ito ng  55,000 pampasaherong jeep na nakarehistro sa National Capital Region.

Dahil naman sa dagdag na 17  ruta , 66 ang ruta ng jeep sa Kalakhang maynila.

Ipinaalala naman ni LTFRB chairman  Martin Delgra sa mga drivers at ­operators na mananatiling  P9 ang pasahe sa unang apat na kilometro at dagdag na P1.50 para sa susunod na kilometro.

Ang mga papasadang jeep ay dapat ding nakarehistro sa LTO bilang  roadworthy na may valid personal passenger insurance policies.

Show comments