Sinabi ng MRT-3 na maaari na silang magserbisyong muli sa kanilang commuters dahil nakumpleto na nila ang sapat na bilang ng mga empleyado na negatibo sa COVID-19.
Philstar.com/File
Biyahe ng MRT-3, balik na ngayon
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang isang linggong tigil-operasyon, bibiyahe na muli ang mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong Lunes, Hulyo 13, ngunit sa limitadong kapasidad pa rin.

Sinabi ng MRT-3 na maaari na silang magserbisyong muli sa kanilang commuters dahil nakumpleto na nila ang sapat na bilang ng mga empleyado na negatibo sa COVID-19.

Hanggang nitong Hulyo 11 ay may 1,093 MRT-3 depot personnel at 1,010 station personnel na nila ang idineklarang CO­VID-19 free, na lampas sa 1,308 tauhan na kinakailangan upang maipagpatuloy ang biyahe ng kanilang mga tren.

Nagpasya ang MRT-3 na suspendihin pansamantala ang kanilang operasyon simula Hulyo 7 matapos na 281 empleyado nito ang nagpositibo sa virus.

Layunin nitong ma­bigyang-daan ang COVID-19 testing sa lahat ng kanilang em­pleyado at pag-disinfect sa kanilang mga pasilidad.

Ang mga napatunayang infected ng virus ay naka-isolate na sa government quarantine facilities sa World Trade Center, Philippine Arena, at PhilSports Arena.

Sa pagbabalik-operasyon naman ng MRT-3, magde-deploy sila ng 12 train sets, na kinabibilangan ng 10 CKD train sets at dalawang Dalian train sets.

Ang unang train set ay idi-dispatch ng 5:30 ng umaga mula North Avenue station sa ­Quezon City hanggang sa Taft Avenue station sa Pasay City.

Tiniyak ng MRT-3 na magpapatupad sila ng mas istriktong mga health at safety protocols upang matiyak ang kaligtasan mula sa virus ng kanilang mga pasahero at mga empleyado.

Kabilang dito ang pag-fill-up ng health declaration forms ng mga pasahero bago sumakay sa tren, para sa contact tracing at pagsusuot ng lahat ng depot at station personnel ng kinakailangang full personal protective equipment (PPE), gaya ng face masks, face shields, gowns at gloves.

Samantala, tuloy pa rin ang pag-deploy ng 90 bus ng MRT-3 Bus Augmentation Program na may 3-minute fixed dispatching interval, ngunit balik na ito sa regular na ­operating hours na 5:30 ng ­umaga hanggang 8:00 ng gabi, sa North Avenue at Taft Avenue stations.

Bilang karagdagan naman, 190 bus ang idedeploy sa ilalim ng EDSA Busway Service upang maghatid ng mga pasahero sa pagitan ng Monumento at Paran?aque Integrated Terminal Exchange (PITx).

Ang MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nagdudugtongsa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City.

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with