^

Metro

‘Same sex’ couples kasama sa pinapayagan sa angkas

Pilipino Star Ngayon
�Same sex� couples kasama sa pinapayagan sa angkas
Maigting ang isinagawang pagbusisi ng Highway Patrol Group sa kaukulang dokumento ng mga rider na may angkas sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City makaraang payagan na ng IATF ang angkas sa mga couple.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni  Joint Task Force COVID Shield Commander Guil-lermo Eleazar na maging ang same-sex couple ay papayagang bumiyahe sakay ng isang motorsiklo basta’t may protective barrier ito at kaya nilang patunayan na nakatira sila sa iisang bubong.

“Puwede rin po ‘yun basta couples o partners, ibig sabihin meron silang relationship na sila’y magkasama sa isang tinitirahan. Kailangang ma-establish doon na sila ay nakatira sa isang lugar kaya ang hinahanap natin doon dokumento. Initially, ‘yung pong ID nagpapatunay na magkasama sila doon,” pahayag ni Joint Task Force COVID Shield Commander Guil-lermo Eleazar sa isang panayam kahapon sa radio.

Nauna rito, ipinaliwanag naman ni Interior Secretary Eduardo Año na ang depenisyon ng ‘‘couple’’ ay iyong mga kasal, mag live-in partner at maging magnobyo o magnobya. 

Kahapon ay nagsi-mula na ang unang araw ng implementasyon ng backriding for couples.

Mahigpit naman na babantayan kung nasu-sunod ang pinaiiral na health at safety protocols.

Kabilang dito ang protective barrier, kapwa naka-helmet at face mask ang rider at pasahero nito.

“Kung wala po ka­yong ganyan, kami po ay nananawagan ‘wag muna kayong lumabas. Hintayin n’yo munang makakuha kayo ng ganyan bago kayo lumabas,” dagdag pa ni Eleazar.

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with