Kalye sa Navotas 2 linggong lockdown

MANILA, Philippines — Dalawang linggong isasailalim sa lockdown ang isang kalye sa barangay sa Navotas City makaraang tumaas ang kaso ng COVID-19 dito.

Ito ang inihayag kahapon ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, nang pirmahan ang Exe-cutive Order No. TMT-037, series of 2020 na nagdedeklara na sasai-lalim sa dalawang linggong lockdown ang Galacia St. Brgy. Bangcu-lasi na nagsimula kahapon at matatapos sa Hulyo 23.

Ani Tiangco, ito ay para malimitahan ang local transmission o pagkakahawaan ng mga residente, at upang mahinto ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektado ng virus sa nasabing lugar.

Exempted sa lockdown ang mga frontli-ners o essential workers na residente, kasama dito ang mga nagtatrabaho sa Navotas Fish Port Complex pati na ang mga may medical emergency.

Sa record ng Navotas nitong July 9, 2020, ang lungsod ay may 816 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 434 dito ang active cases, 324 ang gumaling at 58 ang nasawi.

Show comments